Tuesday, October 23, 2018
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuene: Con Ass Debate

Jan 13, 2018 @ 19:12

Balik sesyon na ang Kongreso sa susunod na Linggo mula sa kanilang bakasyon.

Sa pagpasok ng taon, isa sa inaasahang tatrabahuhin ng Kongreso, higit ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ipinangakong pagpapalit sa porma ng gobyerno, mula sa kasalukuyan tungo sa Federal form.

Hindi kaila na may mga probisyon ng Konstitusyon ang dapat nang baguhin o palitan dahil hindi na akma sa kasalukuyan at nagbabagong paahon.

Marami rin ang naniniwalang malulunasan ng pag-a-amyenda sa Konstitusyon ang mga porblemang kinakaharap ng bansa.

Ngunit bago pa man pagdebatehan kung Federal form ang akma para sa bansa, at diskusyon sa buti at sama ng nasabing uri ng gobyerno, unang pinagtatalunan ngayon ang pamamaraan kung paano ba dapat amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa probisyon ng batas, may mga tinukoy na pamamaraan sa pag-a-amyenda ng Saligang Batas – ito ang Constituent Assembly o Con Ass, kung saan magko-constitute ang Kongreso bilang constituent assembly na siyang magsasagawa ng amyenda sa kasalukuyang Konstitusyon.

Isa pang pamamaraan ang Constitutional Convention o Con Con, kung saan pipiliin ang bubuo nito sa pamamagitan ng eleksyonm ikatlo naman sa pamamaraan ng People’s Initiative.

Sa usapin ng praktikalidad, mas pabor ang mga taga administrasyon sa Con Ass, lalo’t gugugol ng salapi ang pagpapatawag ng elekssyon para ihalal ang mga magiging delegado sa Con Con.

Pero ang pagtatalo sa pamamaraan ito ay kung dapat bang magkaama o jointly ang pagboto ng mga mambabatas, o dapat na magkahiwalay ang pagboto ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Para ma-aprubahan ang amyenda sa Konstitusyon, kailangang makuha ang three fourth votes, bagama’t hindi naging malinaw kung joit o separate voting ang dapat na mangyai.

Ito ang isa sa dahilan kaya’t nag-a-alangan ang mga Senador sa usapin ng Con Ass.

Pero iminumungkahi ni Senador Panfilo Lacson na mag-convene ang Senado bilang Con Ass, hiwalay sa kapulungan ng Kamara.

Layon ng separate Senate Con Ass resolution ni Lacson na huwag maging ‘irrelevant’ o walang halaga ang Senado, lalo’t kung boboto ng magkasama, walang laban ang bilang ng 24 na Senador sa mahigit 200 miyembro ng Kamara de Representantes.

Sa mungkahi ni Lacson, pagbobotohan ng ¾ ng bawat kapulungan ang bawat probisyon na dapat amyendahan, at pagkakasunduin o ire-reconcile naman ito sa pamamagitan ng bicameral conference, gaya sa kasalukuyang sistema nang pagpapatibay sa isang panukalang batas.

Sa diskusyon pa lamang sa modality o pamamaraan para amyendahan ang Saligang Batas, inaasahan na ang maiming panahong magugugol.

Ipiangako ng administrasyon na priyoridad nito ang pagpapalit sa porma ng gobyerno sa Federalismo para tugunan para sa mas maayos at mas kapaki-pakinabang na serbisyo sa publiko.

Pero bago pa man natin mapansin, lumipas na ang panahon sa mga debate gaya sa paraan ng pag-a-amyenda sa Konstituyon at mauubos na naman ang oras sa hinahangad na pagbabago.

Sa mabilis na paglipas ng mga araw, magugulat na lang tayo na panahon na naman ulit ng eleksyon at wala pa ring pagbabago.

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.