Sunday, June 24, 2018
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: Appeal for Sympathy

Mar 10, 2018 @ 16:51

Kapansin-pansin ang pagiging visible ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa publiko.

Hayag ito sa kabilaang pagpapa-unlak niya sa mga public speeches sa mga eskwelahan, at maging sa pagpapa-interview sa telebisyon.

Sa paraang ito raw ay naipapaliwanag niya ang kaniyang panig sa mga isyung ibinabato laban sa kaniya at siyang batayan sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo ‘Larry” Gadon.

Katwiran ng nakabakasyong Punong Mahistrado, hindi siya binigyan ng pagkakataon, sa pamamagitan ng kanyang mga abugado, na harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Hindi kasi pinayagan ng House Committee on Justice na duminig sa impeachment case laban kay CJ Sereno, na makapagtanong o i-cross examine ng defense lawyers nito ang mga testigo laban sa Chief Justice.

Ang mga paglilibot at pagpapakitang ito sa publiko ni CJ Sereno ay hindi maipagkaka-ilang bahagi ng paraan ng kampo nito para makuha ang simpatiya ng mamamayan.

Sa harap ito ng inaasahang paghaharap ng articles of impeachment sa Senado na uupong impeachment court para litisin ang kaniyang kaso.

Sa botong 38-2, inilusot ng House Committee on Justice ang impeachment complaint dahil lumabas na may probable cause ang reklamo laban kay CJ Sereno.

Pero para sa kampo ng punong mahistrado, hindi sapat at walang pruweba para mapatalsk sa pwesto si CJ Sereno.

Hamon din ni CJ Sereno na mai-akyat na sa Senado ang impeachment complaint.

Pero mukhang bibitin pa ito dahil ayon sa House leadership, hihintayin muna nila ang tugon ng Supreme Court En Banc sa petition for quo warranto o petisyong nagpapawalang bias sa appointment ni CJ Sereno na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.

Bukod pa rito, hanggang sa Marso 15 na lamang ang sesyon at magbabakasyong muli ang Konreso , at sa Mayo pa magbabalik.

Sa huli ay publiko pa rin ang magpapasya kung paniniwalaan ba o hindi ang mga paliwanag ni CJ Sereno.

At ang usapn ng impeachment, malinaw na pulitika. May katwiran man o wala, kung sapat ang numero para patalsikin ang isang impeachable official, mabilis lang ang proseso para mawala ito sa pwesto.

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.