Tuesday, November 21, 2017
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: Criminal Minds

Sep 7, 2017 @ 20:42

Nakakalungkot ang sunud-sunod na report sa mga menor de edad na biktima ng pagpatay sa kamay ng awtoridad.

Una si Kian delos Santos na nangangarap maging pulis. Napagbintangan sa isinagawang ‘one time, big time’ police operations sa Caloocan City noong nakaraang Agosto.

Sa CCTV footage, nakitang bitbit at kaladkad ng dalawang pulis si Kian na dinala sa isang sulok. Ang sumunod na eksena nanlaban daw ito at nakitang patay. Pero ayon sa mga testigo, inabuso at walang laban na binaril ng mga alagad ng batas ang binate.

Sabi ng isang pulis nan aka-usap natin, ang asset ng Caloocan police ang nagkamali sa pagtuturo kay Kian, gayong wala naman ito sa order of battle ng pulisya sa hanay ng mga sangkot sa pagbebenta at paggamit ng illegal na droga.

Hindi pa man nareresolba ang kaso ni Kian, isa pang kaso ng pagpatay ang muling napabalita, at muli sangkot ang Caloocan Police sa pagpatay sa dating University of the Philippines (UP) student na si Carl Angelo Arnaiz.

Si Arnaiz na taga Cainta ay napatay sa bahagi ng Caloocan matapos ituro ng taxi drier na si Thomas Bagcal na siyang nang-holdam umano sa kaniya sa bahagi ng C-3 Road sa Caloocan. Nakipagbarilan daw ito sa mga rumespondeng pulis kaya napatay.

Matapos kumalat ang balita kay Arnaiz o Gelo sa tawag ng kaniyang mga kaibigan, lumabas ang impormsasyon sa pagkawala naman ng katorse anyos na si Reynaldo de Guzman. Ito raw ang huling nakitang kasama ni Gelo, na inaya niyang mag-“food trip” pasado ala una ng madaling araw August 18.

Nitong Miyerkules, September 6, natagpuan ang labi ni “Kulot”, palayaw ni De Guzman, na nakalutang sa isang ilog sa Gapan, Nueva Ecija at ballot ng packaging tape ang buong mukha nito.

Ang report sa tatlong kabataang ito ang sentro ngayon ng kabilang imbestigasyon at batikos sa Pambansang Pulisya.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte sinabing hindi katanggap-tanggap ang mga nangyaring pagpatay sa mga teen-ager, at agad na iniutos ang imbestigasyon sa mga responsableng kagawad ng pulisya.

Tanong tuloy ng marami ngayon, utak criminal na rin ba ang mga nasa hanay ng pagpapatupad ng batas.

Maganda ang simula ng ‘war on drugs’ ng Duterte administration, pero sa katagalan, sinisira ng ilang mga ‘bad eggs’ sa hanay ng Philippine National Police ang owtoridad na ibinigay sa kanila.

Hindi maikakailang malakas ang loob ng mga nagpapatupad ng batas dahil sa suportang ibinibigay ng Pangulo, pero hindi naman dapat maging lisensya ito para abusuhin nila ang kapangyarihan.

Sa ngayon may diskusyon kung may diperensya ba ang trainin na pinagdadaanan ng mga pumapasok na pulis sa PNP Academy.

Sabi ng PNP wala raw kasi sa kanila ang kontrol sa akademiya , kaya nais nilang mabawi ito.

Pero ito nga ba ang solusyon para matigil ang pag-abuso ng nasa unipormadong pwersa.

Hindi tayo naniniwalang may polisiyang sinusunod ang PNP na patayin na lamang ng walang dahilan ang mga hinihinalang sangkot sa illegal drugs, pero para pasinungalingan ito, panahon na para patunayan ng PNP na hindi nila kinukunsinte ang mga “utak-kriminal” sa hanay nila.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.