Thursday, May 24, 2018
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: ICC Probe kay Pres. Duterte

Feb 10, 2018 @ 17:26

Magsasagawa nan g imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) sa sinasabing ‘crime against humanity’ na nagawa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte at n administrasyon nito sa pagsusulong ng kampanya laban sa illegal na droga.

Ang ICC nan aka-base sa Tha Hague, Netherlands ang takbuhan para ipaghabla ang mga gobyerno o personalidad na lumalabag sa ilang mga batas, particular sa apat na kasong pasok para imbistigahan ng international Tribunal.

Bukod sa kasong ‘crime against humanity’, kasama rin sa mga kasong maaaring imestigahan at litisin ng ICC ang mga kasong genocide at war crimes.

Baay sa dokumentong nagtatag a ICC, ang international tribunal ay magko-compliment lamang sa umiiral na sistemang hudikatura ng isang bansa, at magkakaroon lamang ng hurisdiksyon kung ang nasabing sisema ay hindi natutugunan.

Halimbawa nito ay kung tumatanggi o walang kakayahan ang isang korte na litisin ang isang criminal, o kung ang isang kaso ay idudulog ng isang bansa o ng United Nations Security Council (UNSC).

Sa kasong kinakaharap ni Pangulong Duterte, sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda masusi niyang sinubaybayan ang sitwasyon sa Pilipinas mula 2016

Bagama’t sinasabi aniyang ang mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas ay sa pagitan ng mga magkakalabang grupo o sa loob ng mga sindikato, marami rin aniyang ulat na ang pagpatay ay insidenteng kinasasangkutan ng extra-judicial killings habang ginagawa ng pulisya ang kanilang anti-drug operation.

Ang sabi ng Office of the Solicitor General (OSG) walang hurisdiksyon ang ICC para siyasatin ang sinasabing rime against humanity ng Pangulo dahil sapat ang mga batas at pamamaraang umiiral sa bansa para pakiharapan ang usapin ng extra-judicial killings.

Tinukoy pa ng OSG ang mga petisyong nakahain sa Korte Suprema at hinihintay na lamang ang mga kaukulang resolusyon para rito.

Sa reklamong inihain sa ICC noong nakaraang taon, sinabi na ang ‘shoot to kill’ order ni Pangulong Duterte ay bahagi nan g pambansang polisiya na ipinaiiral sa war on drugs.

Sa report ng Human Rights Watch 0HRW) nasa 12,000 ang biktima ng pagpatay dahil sa war on drugs ng Duterte administration, pero ang nasabing bilang ay hindi tinatanggap ng Philippine National Police (PNP)

Sa datos ng pulisya nasa 3,906 na drug personalities ang napatay sa isinagawang police operations mula July 01, 2016 hanggang September 26, 2017.

Sa mga nagsasaya sa sinasabing pag0i0imbestiga ng ICC laban kay Pangulong Duterte, paalala ni Senador Panfilo Lacson na lubhang maaga pa para rito.

Itinatadhana aniya kasi sa Article 17 (1) (b) ng Rome Sttute – ang tratado na nagtatag a ICC – na maaaring hadlangan ang imbesitgasyon ng international tribunal ng isang makaotohanang pagsisiyasat na ginawa ng Kongreso na nakapangalap ng mga ebidensya at maaaring maging daan sa paghahain ng reklamo.

Hindi maikakailangang may kapangyarihan ang ICC, kaya nga sa mga nakaraang panahon, ang kanilang pagsisiyasat ay nagresulta ng pagsasampa ng kaso sa mga lider gaya nina Ugandan rebel leader Joseph Kony, Sudanese president Omar al-Bashir, Kenyan president Uhuru Kenyatta, Libyan leader Muammar Gaddafi, Ivorian president Laurent Gbagbo, at Congolese vice-president Jean-Pierre Bemba.

Ang kwestyon ngayon, mauuwi rin ba sa kapalaran ng mga lider na ito ang kahihinatnan ng kaso laban kay Pangulong Duterte? At sakaling mapatunayang nagkasala ang Pangulo, ano ang parusang nararapat sa kaniya?

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.