Monday, October 23, 2017
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: Marital Spat

Aug 7, 2017 @ 20:35

By: Weng dela Fuente

Hanggang saan ang kaya mong gawin para makabawi sa dati mong asawa?

Ito ang mga tanong sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Chairman Andy Bautista ng Commission on Elections at ng kaniyang estranged wife na si Patricia “Tish” Cruz Bautista.

Nitong weekend, sa harap ng ilang piling mediamen, ibinulgar ni Tish na pinaiimbestigahan niya sa National Bureau of Investigation (NBi) ang pagkakaroon ng tiatayang isang bilyong pisong halaga ng bank at real property documents ni Chairman Bautista na hindi deklarado sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.

Isinumite ni Tish ang affidavit sa NBI noong August 01, kasunod ng ginawang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng mga abugado ng dating maybahay ng COMELEC chief na nakipagkita ito sa pangulo dahil bahagi ng kampanya nito ang kampanya laban sa korapsyon.

Sa kaniyang pagharap sa media, sinabi ni Tish na ibinubunyag niya ang “certain information and documents that would show that Andy (Bautista’s nickname) might have had, or currently has, misdealing and corrupt practices while in government service.”

Dagdag pa niya na “I understand that since Andy holds the position of Comelec chair, he is liable to be impeached should there exist valid and sufficient grounds to hold him in trial for an impeachable offense under Sec. 2, Article XI of the 1987 Philippine Constitution,”

Sa kaniyang SALN, nasa P176.3 million lamang ang deklaradong yaman ni Bautista noong 2016.

Pero agad na sagot naman ni Chairman Bautista na kaso raw ito ng ‘extorsion at blackmail” kasabay ng kahandaang magpa-ilalim sa pormal na imbestigasyon.

Kinwestyon din nito ang timing ng paglantad ni Patricia at ng sinasabing tago umanong yaman.

“This thing has been going on for the last 10 months, bakitsila ngayon lalabas? Because pera nga eh, pera-pera lang. Kung talagang sinasabi nilang merong mali, bakit hindinila nilabas agad?”

“Hindi po totoo ang mga paratang na isinasampa sa akin. Ito pong aming problemang personal na matagal na ay ngayon binabahiran ng pulitika… Ipapakita namin na itoay isang kaso ng pangingikil at panggigipit,” sabi pa ni Bautista sa isang TV interview

2010 nang italaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Bautista bilang chairman ng Presidential Commission on Good Government o PCGG at May 2015 naman nang i-appoint ito bilang chairman ng COMELEC.

Hindi maikakailang mayroong personal na problema sa relasyon ang mag-asawang Bautista, na matagal na ring laman ng ilang blind item.

Pero labas sa personal na problemang mag-asawa sinabi ni Senadora Grace Poe na hindi maaaring magtago si chairman Bautista sa alibi ng pulitika

Bagama’t binibigyan pa rin ng ‘benefit of the doubt’ ang COMELEC chief, hindi maikakailang mayroon siyang dapat ipaliwanag dahil may mga dokumentong inilabas ang kaniyang asawa.

Sa ngayon ay nagharap na ng resolusyon si Senador Tito Sotto para magsagawa ng pagsisiyasat ang Senado sa isyu, pero hindi pabor dito si Senador Franklin Drilon lalo’t kung ipupursige ang impeachment laban kay Bautista, uupo bilang Impeachment Court ang Senado.

Wala pang makapagsasabi sa ngayon kung saan tutungo ang usapang ito na nagsimula sa away mag-asawa, pero asahan na sa pagpapatuloy ng diskuyson ukol sa isyu, maihahalintulad ito sa ‘Pandora’s Box”…

Anu’t anuman ang magiging resulta, magiging handa kaya ang bansa sa magiging mga konsenkwesnya?

Facebook Comments
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.