Tuesday, December 12, 2017
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: Oplan Tokhang No More

Oct 12, 2017 @ 19:16

Inanunsyo na ng Philippine National Police )PNP) ang pagpapatigil sa aktibong partisipasyon ng Pambansang Pulisya sa kampanya laban sa illegal na droga.

Sa termination ng Oplan Tokhang ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ipinasa nito ang misyon sa Philippine Drug Enforcement Agency )PDEA)

Hindi lang Oplan Tokhang, kundi maging ang iba pang programang kapaloob sa kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga ay ipatitigil na rin, kabilang ang Oplan Double Barrel at drop box system kung saan maaaring i-report ng mamamamyan ang mga indbidwal na sangkot sa illegal drugs sa kani-kanilang barangay.

Bagama;’t mananatili pa rin ang Drug Enforcement Group ng PNP, lilimitahan na lamang ito sa intelligence production at monitoring, na sya namang isusumite ng pulisya sa PDEA.

Mula sa aktibong kampanya kontra illegal na droga, itutuon naman ngayon ng PNP ang buong atensyon nito sa iba pang krimen na bumibiktima sa mga mamamayan.

Ang pag-urong sa kampanya kontra illegal na droga ng pulsya ay kasunod ng ibinabang memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagka-klaripika sa mandato ng PDEA na ibalik ang kaayusan sa kampanya at tukuyin ang direktang pananagutan.

Hindi maikaka-ilang kabilaan ang kritisismo at batikos na inabot ng PNP sa harap ng mga alegasyon ng pag-abuso at hinalang pagpatay sa pagpapatupad ng kampanya sa drug war, lalo na sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga teen-ager gaya sa kaso ni Kian delos Santos.

Bagama’t itinatanggi ng PNP na bahagi ang mga myembro nila sa tinatawag na extra judicial killings o summary executions sa mga drug suspects, hindi pa rin kumbinsido rito ang mga mamamayan.

Sa September 2017 survey ng Social Weather Station (SWS) bumagsak ng 18 points ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte at 15 points naman ang nalagas sa kaniyang net trust rating.

Batay sa SWS survey, lumabas na ang kampanya sa war on drugs ang dahilan kaya’t nahila pababa ang mataas na rating ng Pangulo.

Sa hiwalay na survey ng SWS , lumabas na kalahati ng mga Filipino ang hindi naniniwalang nanlaban ang mga napatay na drug suspects sa police operations, samantalang anim sa bawat sampung Filipino ang nagsabi na patuloy pa ring pinatay ang mga drug suspects kahit sumuko na.

Mula ng ipa-iral ang Oplan Tokhang, pumalo sa 3,800 ang napatay sa police anti-drug operation batay sa sariling statistics ng PNP, pero taliwas ito sa report ng mga human rights groups na 13,000.

Nag-sorry si Gen. Bato dela Rosa dahil sila ang naging dahilan ng pagbagsak sa popularidad ni Pangulong Duterte.

Pero ang higit na isyung dapat tinutugunan ng PNP ay ang katotohanang nabalewala ng mga naging pag-abuso ng mga bulok na miyembro nito ang gumaganda na sanang imahe ng Pambansang Pulisya.

Maganda sana ang pagsisimula ng anti-drug campaign ng pamahalaan kung hindi lamang nabahiran ng pag-abuso.

At kung may paghingi man ng paumanhin si Gen. dela Rosa dahil sa epekto ng pag-abuso ng kaniyang mga ka-uniporme sa popularidad ng pangulo, mas dapat humingi sila ng dispensa sa publiko, dahil ang mga mamamayan ang kanilang unang dapat pino-protektahan at hindi ang popularidad ng sinuman.

Ang ratings ng sinumang naka-upo sa pwesto hindi nakapagtatakang tumaas o bumaba, depende sa magiging pagtanggap ng publiko sa mga programang ipinaiiral ng isang administrasyon

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.