Tuesday, November 21, 2017
politiko-politics-ph-logo

Weng dela Fuente: Threat of another Chinese aggression

Nov 10, 2017 @ 18:25

Habang abala ang mga bansa sa pagbaka ng mga problemang kinakaharap gaya ng terorismo at usaping panseguridad dahil sa tensyon dulot ng nuclear threat ng North Korea, siya namang pagpapalakas ng China para ma-kontrol ang mga inaangking teritoryo sa South China Sea.

November 03, 2017 naglayag ang largest cutter-suction dredger ng China, ang Tian Kun Hao. Ang 140-meter long vessel ay may kakayahang makapag-dredge ng nasa 6,000 cubic meters per hour, at maaaring humukay ng hanggang 35 meters na lalim.

Ang makabagong barko na may kakayahang magamit sa land reclamation ay nagpataas na muli ng pangamba na posibleng i-deploy ito sa ma-tensyon ng rehiyon sa South China Sea dahil sa pag-a-angkin ng mga banang may interes sa t4ritoryo.

Bukod sa China at Pilipinas, claimant din sa bahagi o kabuuan ng Spratly Group of Islands ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.

Hindi na bago ang paggamit ng China ng dredgers para sa reclamation ng mga coastlines nito, pero may reputasyon din kasi ang Beijing sa mga agresibong hakbang para isulong ang kanilang interes sa mga pinag-a-agawang teritoryo sa rehiyon.

Naka-angkla ang polisiyang ipinaiiral ni Chinese President Xi Jinping sa konsepto ng tinatawag na nine-dash line, na nag-e-extend sa territorial claim nito sa isang libong milya mula sa katimugang baybayin ng bansa.

Itinatanggi ng Chinese Foreign Ministry na gagamitin ang dredger sa pagpapalawak pa ng nasasakop ng China sa disputed territory, pero sabi nga ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang presensya ng nasabing barko ay sapat na para ipag-alala. Kaya ang Pilipinas ina-alam kun saan tutungo at ano ang tunay na misyon ng dambuhalang dredger.

Sa gagawin niyang bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping, sa sidelines ng Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na didiretsahin nya ang Chinese leader kung ano o sa South China Sea.

Sa pag-upo ng Duterte administration, tinahak nito ang ‘”appeasement approach” sa isyu ng pinag-a-agawang teritoryo, pero sa una pa lamang, nagsabi na ang Pangulo na darating ang tamang panahon para ipaunawa a Beijing ang posisyon ng bansa.

Sa harap na rin ito ng sinasabing militarisasyon ng China sa mga pinag-a-agawang teritoryo.

Sa muli nilang paghaharap ni President Xi sinabi ni Pangulong Duterte na igigiit niya sa kaniyang counterpart ang pagbuo ng code of conduct na matagal nang isinusulong ng mga bansang sangkot sa agawan ng teritoryo.

Ipaparating rin daw niya ang pangamba at agam-agam na dulot ng militarisasyon sa disputed islands.

Bilang chairman ngayong taon ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit, inaasahang Pilipinas ang mangunguna sa paggigiit ng interes ng mga claimant countries sa Spratlys. Pero taliwas ang mga naging hakbang ng Pilipinas kaysa inaasahan.

Bagama’t sa nakaraang pulong ng mga ASEAN Defense Ministers, naglabas ng statement ang ASEAN sa isyu ng pinagtatalunang teritoryo, hindi Pilipinas kundi ang Vietnam ang naggiit nito.

Siguro nga panahon na para maging straightforward o prangka si Pangulong Duterte sa pagpaparating ng posisyon ng Pilipinas sa matagal ng isyu.

Hinala ng ilan, hindi dadating sa ASEAN Summit sa Pilipinas si Pres. Xi upang iparamdam ang pagka-disgusto nito sa tila paglalaro ng mga posisyon ng Pilipinas sa isyu.

Sana nga magkaroon nang mas malinaw na posisyon ang bansa sa isyu ng Spratlys at huwag patali sa kung anumang kagandahang loob na ipinapakita ng China sa Pilipinas.

Si Pangulong Duterte na rin ang nagsabi na hindi kailanman isusuko ang claim ng bansa sa mga pinag-a-agawang teritoryo.

At kahit may mga pahayag ang China na hindi sila ang pagmumulan ng tension sa mga piang-a-agawang teritoryo, malaking tanong din kasi kung mapagtitiwalaan ba sila sa kanilang salita.

Hamon ngayon sa Pangulo, sapat na kaya ang tapang niya para isagad ang posisyon ng Pilipinassa China sa isyu ng teritoryo o baka sa huli ay uurong at magiging malambot na naman?

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.